HALAMANG GAMOT
Ricky Sings
Follow · February 22 · Edited ·
KAALAMAN TUNGKOL SA PANSIT-PANSITAN BILANG HALAMANG GAMOT
Scientific name: Peperomia bilineata Miq.; Peperomia pellucida Linn.; Peperomia hymenophylla Miq.
Common name: Pansit-pansitan (Tagalog); Shiny bush, Clear weed (Ingles)
Ang pansit-pansitan ay isang karaniwan at maliit lamang na halaman na karaniwang tumutubo sa mga tabi-tabi at bakanteng lupa. Ito ay itinuturing na damong ligaw (weeds) sa maraming lugar. Ito ay may dahon na hugis puso, malambot na mga sanga at may maliliit na mga buto na nakadikit sa isang sanga. Ang halaman ay karaniwan sa buong bansang Pilipinas pati na sa iba pang mga bansa sa buong mundo. Maaari ding kainin ang halaman bilang gulay.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA PANSIT-PANSITAN?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang pansit-pansitan ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang mga sanga ng halaman ay may taglay na carbohydrates, alkaloids, tannins, flavonoids, steroids, at triterpenoids.
May taglay din na mga mineral, bagaman mababa lamang, tulad ng manganese, iron, zinc at copper, sa dahon ng pansit-pansitan. Ngunit mataas naman ito sa sodium.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Dahon. Karaniwang ginagamit sa panggagamot ang dahon ng pansit-pansitan. Kadalasang inilalaga ito at pinapainom sa may sakit.
Sanga. Ang sanga ay karaniwang hinahalo din sa paglalaga ng mga dahon at pinaiinom din sa may sakit.
ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG PANSIT-PANSITAN?
1. Rayuma. Mabisa laban sa nanakit na mga kasukasuan dahil sa rayuma ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng pansit-pansitan. Ang pagkain mismo sa dahon at sanga ng pansit-pansitan na parang gulay ay mabisang pang-alis sa kondisyong nararamdaman kaugnay ng rayuma.
2. Urinary Tract Infection (UTI). Pinapainom naman ng pinaglagaan ng dahon ang taong dumadanas ng impeksyon sa daluyan ng ihi.
3. Hindi pantay na kutis ng balat. Ang pagkakaroon ng kaibahan sa kulay ng kutis ay maaaring banlawan gamit ang pinaglagaan ng dahon ng pansit-pansitan.
4. Pigsa. Ang pigsa naman ay maaaring matulungan ng pagtatapal ng dinikdik na dahon at sanga ng pansit-pansitan.
5. Iritasyon sa mata. Ipinangpapatak sa mata na dumadanas ng iritasyon o implamasyon ang katas ng dahon at sanga ng pansit-pansitan.
6. Mataas na cholesterol. Nakatutulong din sa pagpapababa ng cholesterol sa dugo ang pagkain sa mga dahon ng pansit-pansitan.
7. Tagihawat. Para naman sa kondisyon ng pagtatagihawat, pinangtatapal sa apektadong bahagi ng balat ang dinikdik na dahon at sanga ng pansit-pansitan.
See Translation
— with Nellejoy Allidnara Dochale, Josh Allen Quinagon, Jennalyn C. Quinagon and 29 others.
LikeShow more reactionsCommentShare
5.4K5.4K
83 comments
3,383 shares
Comments
6 of 83
View previous comments
Sari Ele
Sari Ele Edna Elegido Edna Hermoso Joyce De Dios
Like · Reply · June 4 at 8:24pm
Trizia Funtaron
Trizia Funtaron TMa gamot tgaka yn.sbi ng matatanda.
See Translation
Like · Reply · June 6 at 8:28am
Lizaneth Gallego
Lizaneth Gallego Ang galing wow
See Translation
Like · Reply · June 6 at 12:05pm
Joda Rain
Joda Rain Josephine Dalag Sacasac
Like · Reply · June 6 at 10:50pm
Delia Blen
Delia Blen Proven and tisted,gamot yan ng araytis sipag lang kailangan at gawa.
See Translation
Like · Reply · June 7 at 9:53am
Maricel Pamplona
Maricel Pamplona Toto po ba ito,? Na gamot ito at pwde igulay?
See Translation
Like · Reply · 2 hrs
Oscar del Rosario
Write a comment...
Choose File
No comments:
Post a Comment